Saturday, December 11, 2010

OLI IMPAN (ONE ACT PLAY-TAGALOG)


OLI IMPANni Alberto Florentino
OLI IMPAN ("Holy Infant")
A Tagalog translation by the playwright
of his original one-act play in English translated in Tagalog
(1,478 words)

"Saaylenay . . . oolinay . . ./ oliskam . . . olisbray
(Silent night; holy night;/ All is calm; all is bright)."


>from "Silent Night," as sung by Filipino children-carollers
The author's Tagalog translation of Oli Impan was first published in the National Midweek (June 11-18, 1986), edited by Jose F. Lacaba.
The original play written in English won the Arena Theater Playwriting Contest (Special Award, 1959) and was staged in the "arena-style theater" at the PNC Quadrangle on Taft Avenue under the direction of playwright Severino Montano (recently posthumously declared a National Artist).

Oli Impan (in Tagalog translation) is being featured in PALH-ezine (Philippine American Literary House), managed by Cecilia M. Brainard, on the 43rd anniversary of the play's creation on Dec. 20, 2001, 43 years after the squatters written about in the play were evicted 5 days before Christmas of 1958 by Manila Mayor Antonio Villegas and relocated to either Sapang-Palay or Welfareville.
The playwright was influenced by the French film Forbidden Games, directed by Rene Clement, which the playwright saw in the first U.P. Film Festival under UP Film Center Director Virginia Moreno.


Mga Tauhan:
Batang Lalaki (BLalake), 5 taong gulang.
Batang Babae (BBabae), 4 na taong gulang

Panahon:
Kapaskuhan ng 1958 .

Pook:
Sa Binondo, sa isang pook na tinatawag na "Casbah."

PAUNAWA:
(English version)
After the liberation of Manila, thousands of squatters lived in the slums of Binondo.
The place was known as the "Casbah" where lived the landless and homeless poor of a city ravaged during World War II and the liberation of Manila in 1944.
On Dec. 20, 1958, 5 days before Christmas, Mayor Villegas evicted the "squatters," relocated them far from the prime real estate of the city, and dumped them in either Welfareville or Sapang-Palay.
To this day, 43 years later, Welfareville is still home to thousands of second- and third-generation squatters descended from the original families routed from the "Casbah."
(Notes revised and updated 12/2001)

THE SCENE:
A slums area close to a building of several storeys.
A low wall cuts across the stage, separating the squatters from the business section of the city.
A 4-year-old girl in tattered dress sits at one end of the low wall. Offstage are heard sounds of commotion of people and the noise of houses being demolished by hired workers and carried away by trucks.
Offstage a mother's voice is heard berating her son for standing in the way.
The 5-year-old enters the stage pulling a toy car made of empty milk cans linked together and tied to a string.

The following is the Tagalog version of the play, with stage directions in English

BatangBabae. (looking around her) Me sunog ba?
BatangLalake. (stops pulling his toy) Ha? Ano 'kamo?
BBabae. Sabi ko, me sunog ba?
BLalake. (goes on with his playing) Wala! Walang sunog.
BBabae. (looks toward the street) Me sunog siguro.
BLalake. Sabi ko na, wala e! Ang tigas-tigas ng ulo mo!
BBabae. Meron! Meron!
BLalake. Pa'no mo nalaman? Me nakikita ka bang usok? Me naririnig ka bang bumbero? (he runs around, pulling his toy and imitating the noise of firetrucks) EEEEEEE!!!!!!! Ang sarap kung me sunog, ano?
BBabae. (worried) Kung walang sunog, e bakit nilalabas natin ito (points to their belongings)
BLalake. Mangyari pinalalayas tayo.
BBabae. Paano mo nalaman?
BLalake. Sabi ng Nanay ko.
BBabae. At sino'ng nagpapalayas sa atin?
BLalake. Ang gobyerno.
BBabae. Ano ba'ng "gobyerno"?
BLalake. Ewan ko.
BBabae. Ba't di mo tinanong ang Nanay mo?
BLalake. Nakalimutan ko e.
BBabae. Bakit naman tayo palalayasin ng gobyerno?
BLalake. Mangyari, gobyerno'ng me ari nito. Iyan, 'yan, at lahat ng 'yan.
BBabae. Aba, atin 'to, di ba?
BLalake. 'Yung mga bahay siguro. Pero 'yung lupa, di atin.
BBabae. Aba, hindi! Atin din 'yun!
BLalake. Di atin ang lupa!
BBabae. Atin! Ating lahat 'to!
BLalake. Hindi sabi e!
BBabae. Atin! Atin!
BLalake. Pa'no naging atin 'to?
BBabae. Di ba ang tagal na nating nakatira dito?
BLalake. Oo, pero di ibig sabihin atin 'to.
BBabae. Kung di atin 'to, alin ang atin? Alin?
BLalake. Wala!
BBabae. Kung palalayasin tayo, saan tayo lilipat?
BLalake. Ewan ko sa inyo.
BBabae. Bakit, kayo, me lilipatan ba kayo?
BLalake. Wala rin. Pero di bale. Me trabaho'ng Nanay ko.
BBabae. S'yanga?
BLalake. Oo!
BBabae. Ano'ng trabaho ng Nanay mo?
BLalake. Manghuhula.
BBabae. Ano'ng manghuhula?
BLalake. Yung humuhula---'yung bumabasa ng kamay ng mga tao.
BBabae. Kamay? Bumabasa ng mga kamay?
BLalake. Oo.
BBabae. Para ano?
BLalake. Para malaman n'ya kung ano'ng mangyayari bukas.
BBabae. Alam n'yang mangyayari? Babasa lang ng kamay?
BLalake. Oo.
BBabae. (shows her hand) 'Tung kamay ko, mababasa n'ya?
BLalake. Para ano?
BBabae. Para malaman ko kung saan kami titira bukas.
BLalake. Di n'ya mababasa ang kamay mo.
BBabae. Ba't hindi?
BLalake. Ang liit kasi. At ang dumi pa.
(BBabae wipes her hand on her dress)
BLalake. 'Tsaka, ang binabasa ng Nanay ko, kamay lang ng mga lalake.
BBabae. Mga lalake lang? Bakit?
BLalake. Sila lang ang nakikita ko e.
BBabae. Bakit nga!
BLalake. Ewan ko. Dahil siguro malaki'ng mga kamay nila. Madaling basahin.
BBabae. Pa'no n'ya nababasa ang kamay? Parang komiks?
BLalake. Siguro.
BBabae. Bakit, di ka ba nanonood?
BLalake. Hindi.
BBabae. Bakit?
BLalake. Ayaw n'ya ako'ng papanoorin. Pinalalabas ako at tinatarangka'ng pinto.
BBabae. Sinasara'ng pinto? Pa'no s'yang nakakabasa sa dilim?
BLalake. Ewan ko. Basta nagagawa n'ya.
BBabae. Di ka sumusilip?
BLalake. Hindi.
BBabae. Bakit?
BLalake. Sasampalin n'ya ko.
(a commotion outside: shouts and curses amidst sounds of demolition)
BBabae. Ano 'yun? Ano'ng nangyayari?
BLalake. (stands up and looks out) Ewan ko. Di ko makita e. 'Lika, tingnan natin!
BBabae. 'Yoko!
BLalake. Ba't ayaw mo?
BBabae. Sabi ng Tatay ko, huwag akong aalis dito.
BLalake. O sige, ako na lang!
BBabae. (suddenly frightened) H'wag! H'wag mo 'kong iwanan!
BLalake. Bakit?
BBabae. Natatakot ako e.
BLalake. Sa'n ka natatakot? Kanino?
BBabae. Ewan ko.
BLalake. Paano natin malalaman kung ano'ng nangyayari?
BBabae. H'wag na lang. Dito na lang tayo.
BLalake. Pero gusto kong makita e. (stands up) 'Timo! 'Lika! Kitang-kita rito!
BBabae. Ano'ng nakikita mo?
BLalake. Tingnan mo! Ang mga tao---
BBabae. Ano'ng ginagawa nila?
BLalake. Sinisira nila! Sinisira nila---
BBabae. Ang ano?
BLalake. Ang mga bahay natin!
(Sounds of demolition)
BBabae. Sino 'kamo'ng sumisira?
BLalake. Ang mga tao! Mga mama! Meron silang mga martilyo't bareta!
BBabae. 'Alang pumipigil sa kanila?
BLalake. Wala!
BBabae. Bakit? Saan ang mga pulis?
BLalake. Naro'n! Ang dami nga nila!
BBabae. Ano'ng ginagawa ng mga pulis?
BLalake. Wala!
BBabae. Di nila pinipigil . . .?
BLalake. Hindi.
BBabae. Ano'ng ginagawa nila?
BLalake. Nakatayo lang sila.
BBabae. Bakit?
BLalake. Ewan ko.
(A big commotion: shouts, curses, chases)
BBabae. Ano na'ng nangyayari?
BLalake. (excited) Me isang mama! Pinipigil niya ang mga taong sumisira . . . Hayun! Aba! Ang mga pulis! Pinipigil nila ang mama!
(a man screams)
BBabae. (screams) Tatay ko! Tatay ko 'yun! (covers her ears and cries) Tatay ko 'yun!
BLalake. (surprised) Tatay mo? Tatay mo 'yung mama?
BBabae. Oo! Ano na'ng ginagawa nila sa Tatay ko? Sinasaktan . . .?
BLalake. Hindi! Hinuhuli lang! . . . Hayun, nahuli na s'ya! Tinatali ng mga pulis ang kanyang kamay! Tinatali ng bakal . . .
BBabae. Ano'ng ginagawa nila sa Tatay ko?
BLalake. Ayun! Ipinasok sa puliskar!
BBabae. (screams) TATAYYYYYY!!!!! TATAYYYYY!!!!!
BLalake. Tigil na 'yan! Di ka naman nila maririnig. (she cries)
BLalake. (comes down to the ground) Ba't ka umiiyak? Tumigil ka na.
BBabae. Sasaktan nila ang Tatay ko.
BLalake. Di nila sasaktan ang Tatay mo.
BBabae. Pa'no mo nalaman?
BLalake. Basta alam ko. 'Lika, kumanta na lang tayo.
BBabae. Di ako marunong e.
BLalake. Ang dali-dali. Ha'mo, kakanta ako, pakinggan mo 'ko, ha?
BBabae. O sige. (wipes her tears)
BLalake. (sings) Saaylenay . . . Oolinay . . . Oliskam . . . Olisbray . . . Ranyonberginmaderentsayl . . . Oliimpansotenderenmayl . . . Slipinebenlipis . . . Slipinebenlipis . . .
BBabae. Ganda ng kanta mo.
BLalake. Narinig mo na 'yan, di ba?
BBabae. Oo, pero di ko alam kantahin. Sino'ng nagturo sa iyo'ng kumanta?
BLalake. . . . di ang Nanay ko.
BBabae. Ano'ng ibig sabihin ng kanta? Di ko maintindihan e.
BLalake. Inglis kasi.
BBabae. Tungkol sa ano ang kanta?
BLalake. Tungkol sa D'yos. 'Lam mo, sabi ng Nanay ko, ipinanganak daw ang D'yos sa 'sang kwadra.
BBabae. Ano'ng kwadra?
BLalake. 'Yun bang tirahan ng mga kabayo't mga hayup.
BBabae. Totoo? E di ang baho doon! Bakit?
BLalake. Bakit ano?
BBabae. Bakit do'n sila ipinanganak?
BLalake. Mangyari wala sila'ng matir'han.
BBabae. Bakit? Mahirap lang siya?
BLalake. Baka.
BBabae. Ang ganda talaga ng kanta mo. Kantahin mo uli, sige na.
BLalake. Kantahin natin . . . tayong dalawa.
BBabae. Pero di ko alam e.
BLalake. Gayahin mo lang ako.
BBabae. 'Wag mong bibilisan, ha?
BLalake. (sings) Saalenay . . .
BBabae. Saalenay . . .
BLalake. Oolinay . . .
BBabae. Oolinay . . .
BLalake. Oliskam . . .
BBabae. Oliskam . . .
BLalake. Olisbray . . .
BBabae. Olisbray . . .
BLalake. Ranyonberginmaderentsayl . . .
BBabae. Ranyon . . . di ko masasabi 'yun.
BLalake. H'wag na lang 'yun. (sings) Oliimpan . . . h'wag na rin 'yun. (sings) Slipinebenlipis . . .
BBabae. Slipinebenlipis . . .
BLalake. Slipinebenlipis . . .
BBabae. Slipinebenlipis . . . .

No comments:

Post a Comment