Ano nga ba ang TEORYANG PAMPANITIKAN.?
  >Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pagaaral ng panitikan.Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. 
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit  sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o  paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o  realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang  maibibigayng kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit  tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan at siya ay nawala sa sarili.  Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin  sa tao.
1.)Teoryang Klasismo/Klasisismo
v    Ang  layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa  pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang  daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga  salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
2.)Teoryang Humanismo
v    Ang  layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay  binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng  talino, talento atbp.
3.)Teoryang Imahismo
v    Ang  layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa  mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng  may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng  karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng  mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng  panitikan.
4.)Teoryang Realismo
v    Ang  layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng  may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa  totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng  may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
5.)Teoryang Feminismo
v    Ang  layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang  pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling  matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag  babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang  katangian ng tauhan.
6.)Teoryang Formalismo/Formalistiko
v    Ang  layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot  gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi  ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa  mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi  humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
7.)Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
v  Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior  (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang  akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng  panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
8.)Teoryang Eksistensyalismo
v  Ang  layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o  magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang  pananatili sa mundo (human existence). 
9.)Teoryang Romantisismo
v  Ang  layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o  sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at  mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng  isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa  tao o bayang napupusuan.
10.)Teoryang Markismo/Marxismo
v  Ang  layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay  may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng  pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang  mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo  para sa mga mambabasa.
11.)Teoryang Sosyolohikal
v  Ang  layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan  ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng  mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na  nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na  suliranin.
12.)Teoryang Moralistiko
v  Ang  layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa  moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din  nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o  kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan.  Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa  kaantasan nito.
13.)Teoryang Historikal
v  Ang  layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na  siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais  din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng  mundo.
CATEGORY: panitikan para sa ika-apat at ikatlong taon
 
No comments:
Post a Comment